RideBox Battery

Modified on Thu, 11 Jun at 5:06 PM



Ano ang material ng RideBox Battery?

Ang RideBox ay gawa sa Lithium-Ion. Ilan sa mga qualities ng Lithium-Ion ang mga sumusunod:

  • Mas mahabang buhay: Hindi madaling masira o maluma.

  • Mabilis na pag-charge: Mas kaunting oras sa pagsasaksak.

  • Garantisadong Kaligtasan: May mga built-in safety features para sa iyong peace of mind.


Normal lang ba na medyo mainit ang charger habang nagcha-charge?

Normal lang ang kaunting init, pero kapag ito ay sumobra, pwedeng overloaded ito, hindi compatible, o defective na ang charger.


Safe bang iwan ang RideBox Battery habang nagcha-charge?

Ang RideBox Battery ay may technology na nagpapahinto sa charging process kapag napuno na o umabot na ang battery level sa 100%.


Possible bang sumabog ang RideBox Battery?

Ang RideBox Battery ay may multiple safety features para masigurong safe itong gamitin. Dahil sa mga protective measures na ito, sobrang baba ng risk na ito ay sumabog.


Gaano katagal para ma-full charge ito?

Mula 0%, aabutin lang ng 3 oras para ma-fully charge ang baterya hanggang 100%.


Ano ang lifespan ng RideBox Battery?

Tumatagal nang hanggang 8 taon ang RideBox battery kapag tanging home charging lang ang ginagamit na option at hindi nag-swa-swap sa RideBox Battery Swapping Stations.


Anong gagawin kapag degraded na ang RideBox Battery?

Kapag degraded na ang RideBox battery o nakakaranas ng ibang problema, dalhin lang ito sa NRD Service Center.


Anong required na voltage and power para i-charge ang RideBox Battery?

Yes, pwedeng-pwede mong i-charge ang NRD Battery sa bahay gamit ang NRD charger. Siguraduhin lang na naka-connect ang charger sa 20V power outlet.


Saan titignan ang battery percentage?

Makikita ang RideBox Battery level na naka-install sa NRD e-motorcycle sa NRD RideApp.


May warranty ba ang RideBox Battery?

Ang mga RideBox Battery na nakakabit sa unit mo ay pagmamay-ari ng NRD. Dahil dito, lahat ng manufacturer defects ay sasagutin ng NRD habang ikaw ay gumagamit ng NRD e-motorcycle. 

Was this article helpful?

That’s Great!

Thank you for your feedback

Sorry! We couldn't be helpful

Thank you for your feedback

Let us know how can we improve this article!

Select at least one of the reasons
CAPTCHA verification is required.

Feedback sent

We appreciate your effort and will try to fix the article