NRD Motorcycle

Modified on Thu, 11 Jun at 5:42 PM



1. Pwede ko bang gamitin ang NRD kahit walang load? 

Ang NRD ay nangangailangan ng load plan para gumana.


2. Ano ang estimated range ng NRD?

  • D400: 113 KM
  • R280 Sport: 148 KM
  • R280: 116 KM


3. Pwede bang i-customize ang NRD?

Yes. Pero tandaan na mavo-void ang warranty mo kung ang sira ay sanhi ng mga modifications na ginawa ng sinumang hindi authorized mechanic. Para mapanatili ang iyong warranty coverage, siguraduhing sa NRD Service Center lang magpapagawa ng kahit anong repairs o modifications.


4. Anong safety features ng NRD?

Lahat ng NRD models ay may Combined Braking System (CBS). Ang advanced feature na ito ay nag-si-synchronize sa front at rear brakes, kaya sa isang piga lang ng brake lever, sabay nang gagana ang dalawang preno.


5. Gaano kabigat ang NRD?

Parehong 99.9 kg ang bigat ng R280 at R280 Sport models (kasama na ang dalawang RideBox Batteries). Habang ang D400 naman ay nasa 138 kg (kasama rin ang dalawang RideBox Batteries).


6. Ano ang pagkakaiba ng NRD sa mga de-gas na motor?

Maraming benefits ang paglipat sa NRD, kabilang ang:

  • Matipid (Economical): Malaki ang matitipid sa fuel at maintenance costs.

  • Kalikasan (Environmental): Bawas sa carbon emissions at tulong sa sustainable transportation para sa mas malinis na planeta.

  • Experience: Masusulit mo ang hanggang 50% savings sa maintenance kumpara sa mga gas-powered na motor, kaya siguradong hassle-free at enjoy ang biyahe.


7. Pwede bang gamitin ang NRD sa long-distance travel?

Kung ang dalawang RideBox Battery na naka-install sa uit ay parehong 100%, ang D400 ay kayang umabot ng hanggang 113 kilometers, kaya swak ito para sa mas malalayong biyahe. Ang R280 at R280 Sport models naman ay kayang tumakbo ng hanggang 160 kilometers—perfect para sa daily commutes. 


8. Maingay ba ang NRD?

Sobrang smooth ng riding experience sa NRD dahil sa advanced design nito na may halos zero noise o walang kaingay-ingay habang umaandar.


9. Saan pwedeng mag-download ng owner's manual?


10. Waterproof ba ang NRD?

May IPX6 rating ang NRD e-motorcycle models.


11. Anong size ng gulong ng NRD models?

  • D400: F: 100/80-16 | R: 110/80-14
  • R280 Sport: FR: 90/90-12
  • R280: FR: 90/90-12

Was this article helpful?

That’s Great!

Thank you for your feedback

Sorry! We couldn't be helpful

Thank you for your feedback

Let us know how can we improve this article!

Select at least one of the reasons
CAPTCHA verification is required.

Feedback sent

We appreciate your effort and will try to fix the article