Paano Makita ang Iyong Account Activity
Tutulungan ka ng article na ito kung paano i-view ang iyong battery status, top-up history, at swap records gamit ang NRD RideApp. Ang mga impormasyong ito ay makakatulong sa iyo para ma-manage at ma-monitor nang maayos ang iyong bawat ride.
Buksan ang NRD RideApp.
Pumunta sa Motorcycle Tab.
I-tap ang Motorcycle Image.
Piliin ang specific na impormasyon na gusto mong makita: Battery, Top-ups, o Swaps.
Battery: Dito mo mache-check ang current status ng iyong battery, kabilang ang charge level, health, at range remaining (gaano pa kalayo ang itatakbo).
Top-ups: Dito makikita ang detailed history ng lahat ng iyong top-up transactions.
Swaps: Dito mo ma-a-access ang records ng iyong battery swap activities, kasama na ang dates at locations kung saan ka nag-swap.
Was this article helpful?
That’s Great!
Thank you for your feedback
Sorry! We couldn't be helpful
Thank you for your feedback
Feedback sent
We appreciate your effort and will try to fix the article